“Hi, Hello, Goodbye” (Tagalog)


Hi
Hello
Goodbye

Hi, kaway mo
Hello, tanong mo ng aking pangalan
Goodbye, magkikita pa tayong muli

Hi, bati mo sa akin
Hello, aya mo sa akin
Goodbye, bukas ulit

Hi, pagtatapat mo sa akin
Hello, pagmamahal mo sa akin
Goodbye, panlalamig mo sa akin

Hi, pagkakamusta mo sa akin
Hello, pag-aya mo sa akin
Goodbye, panghingi mo ng tawad

Hi, hello, bye.

Comments