Huling liham para sayo
Ito na ang huling liham na gagawin ko para sayo
Ito na ang huling beses na ipapaalam ko sayo ang nasa isip at puso ko
Ito na ang huling beses na magsasalita ako tungkol sayo
Nung nakilala kita napatunayan ko na wala sa tagal ng pagsasama ang pagiging magkaibigan.
Kundi naka depende satin, nakadepende sa pag uugaling meron tayo. Kung magkakasundo ba tayo, kung mapagkakatiwalaan natin ang isat isa,
2years, dalawang taon lang sa dalawang taong yun hindi tayo araw araw magkasama
Pero sa dalawang taon na yun
Ang dami nating nalaman tungkol sa isat isa.
Sa dalawang taon na yun iilang beses lang tayo nakapag solo at nakapag usap ng maayos dahil ang ginawa lang natin lagi ay ang maglaro at magkulitan.
Isang araw nagyaya ka, tatlo tayo dapat aalis nun
pero hindi nakasama yung isa
kaya ang nangyari tayong dalawa lang ang umalis.
Nung mga oras na yun nag dadalawang isip na ko kung tutuloy pa tayo dahil alam ko mangyayari pag may nakakita sating dalawa na tayong dalawa lang.
Alam ko ang pakiramdam, dahil alam kong masakit ang katapusan nun
Sobrang sakit, alam mo kung bakit?
Kasi ang sakit sakit,
Ang sakit sakit ng mga bagay na naririnig ko pag kasama kita.
Puro pangit na salita, puro panghuhusga, puro kasinungalingan ang naririnig ng aking tenga.
Gusto ko na ngang sumabog o mawala nalang ng parang bula.
Natuloy tayo sa lakad na yun nung gabing yun tinanong kita.
Naniniwa kaba sa incarnation?
Sinagot mo ko ng oo
At pinag usapan natin na sana kung irereincarnate tayong dalawa.
Sana, sana maging kuya o maging tatay nalang kita pero hindi magbabago ang samahang meron tayo para pag dumating yung araw na yun wala ng malisya ..
Wala na muli akong maririnig na pangit na salita.
Hanggang sa isang araw.
Isang araw dumating yung kinatatakutan kong araw.
Yung kinatatakutan kong mawala ka sakin. Dati sabi ko iiwan nyo rin ako lahat pero iba ka. Dahil pinaramdam mo sakin na hindi mo ako iiwan at naniwala ako dun.
Pero Nawala ka. Hindi dahil iniwan mo ko kundi dahil itinaboy kita, inilayo kita, iniwan kita. Patawad
Patawarin mo ko kung hindi ako lumaban
Patawarin mo ko kung sumuko ako.
Hindi ko kinaya, hindi ko na kaya ang paulit_ulit, paulit-ulit at paulit ulit na sakit. Sobrang sakit, ang sakit sakit.
Patawarin mo ko kung naging makasarili ako. Patawarin mo ko sa lahat ng aking nagawa.
Isang taon na ang lumipas
Isang taon na kitang hindi nakikita at nakakausap.
Sa isang taon na yun nakita ko ang effort ng pag tyatyagang ginawa mo.
Lahat ng pwedeng gawin ginawa mo para makausap mo ako. Sinubukan mo akong itxt, tawagan, miski sa twitter finallow mo ako. Gumawa ka nadin ng tumblr para lang masundan ang nararamdaman ko. Pero sa huli hindi pa din kita pinalowback sa huli hindi kita pinansin.
Nung nagkahiwalay tayo ilang beses ko pinaintindi sayo ang nararamdaman ko, ilang beses ko sinabi sayo kung gano kasakit, kung gano ako nahirapan.
Nainis ako sayo dahil hindi mo naintindihan, iniisip ko na hindi mo ba ko naintindiham dahil magkaiba tayo ng salita o hindi mo ko naintindihan dahil ayaw mong intindihin ang nararamdaman ko.
Nung nalaman mo at naintindihan mo ang nararamdaman ko sobrang huli na. Huli kana. Nahuli kana dahil tapus na ang lahat sukong suko na ako. Patawad.
Patawarin mo ako,
Ito na ang huling liham ko para sayo.
Patawad, ito na ang huling beses na ipaparating ko sayo ang nararamdaman ko.
Patawad,
Sa muli nating pagtatagpo matalik kong kaibigan

Comments
Post a Comment