Sumulat ka ng isang tula
Tula na maglalarawan sayo
Tula na maipapahayag ang sarili mo.
Umpisahan mo sa pagkuha ng lapis at papel
Sa pagkuha ng ideya
Sa pagkuha ng panghuhugutan.
Wala kang maisulat?
Wala kang maisip?
Sasabihin ko sayo kung bakit..
Isang bagay
Dalawang bagay
O maraming dahilan
Ito'y sa pagkat, wala kang nararamdaman
Wala kang pinanghuhugutan
Dahil takot kang ipahayag ang sarili.
Isa kang taong walang pakiramdam,
Taong duwag,
Taong walang pakialam
Tutulungan kita
Tutulungan kitang isulat ang iyong tula.
Tula na maglalarawan sayo
Umpisahan natin sa kung sino ka?
Ikaw ay isang Nilalang na
Takot sa lahat ng bagay.
Takot magpakilala
Takot magtiwala
At takot magmahal
Pero palaging nasasaktan
Ikaw iyan.
Ito ang iyong tula.
Comments
Post a Comment