‘'Ala-ala”


Mga ala-ala
Mga ala-ala na tanging ang isip lang,
Ang isip lang ang tanging makakaalala nito.

Mga araw at panahon na ngayo’y
Ala-ala nalang.
Mga ala-alang maaaring hindi ito matandaan

Mga ala-alang magpapakita at magpaparamdam ng
Halimuyak at kasiyahan nating dalawa.

Mga ala-alang maaring makalimutan
Ngunit isa lang ang tanging
Masisigurado

Maaring makalimut ang utak
Pero ang puso ay hinding hindi makakalimot
Hindi maaring kalimutan ang bawat sigundo, oras, araw at panahon
Na ika’y kasama na ngayoy ay tanging ala-ala nalang.

Comments