Meron
tayong ibat-ibang uwi ng panulat sa buhay.
Mag-umpisa
tayo sa unang panulat na ating nahawakan.
KRAYOLA-
makukulay na mga aparato pangkulay upang malaman natin habang bata pa na
kailangan natin lagyan ng kulay ang bawat bagay at magpakasaya lang habang bata
pa.
LAPIS- Ang
pangalawang panulat na ating nahawakan. May ibat-ibang uri ng lapis, na
kalamitang ginagamit sa eskwelahan bilang panulat o pangdrawing.
May
katamtamang sukat lang na nagpapakita at magtuturo sa atin na isang obra ay may
ibat-ibang nipis, hugis at kapal na lihim nito na magpapakita na sa buhay ay
may ibat-ibang uri tayong pagdadaanan. May manipis at katamtamang lilim kung
saan nagsasabing sakto lang ang mga bagay na nangyayari sayo. Makapal at
sobrang itim ang simbolo ng paghihirap at pighati.
Pero ayos
lang, magaan man o mabigat na lapis ang ginagamit mong panulat pwede pang
burahin at itama ang mga pagkakamaling nagawa.
BALLPEN-
Marami ring uri ng ballpen, may sobrang nipis na signpen at ang saktong
ballpoint pen. Sa manipis na signpen magsisimbulo ito ng mga pagdurusa na sa
sobrang nipis ang siyang magbibigay ng detalyadong obra ng buhay ang
magpapakita ng sobrang paghihirap na dinaranas mo. Ang simpleng ballpen na
madalas gamiting panulat sa buhay, simbulo na bawat tao ay normal lang at hindi
perpekto upang hindi magkamali. Ang ballpen ang magpapakita na may mga bagay na
hindi na kayang burahin pa. ngunit hindi mo kailangan mag-alala dahil meron
pang WHITE-ERASER. Ang masakit lang ay hindi nito mabubura lahat ng pagkakamali
mo. Tatakpan lang nito ang sugat sa puso mo at mananatiling nakasulat sa iyong
buhay. Maaaring mapagtakpan ngunit hindi na maaring mabago nito ang
katotohanan.
Pero take
lang,
Hindi
makukumpleto ang buhay mo kung wala kang PAPEL.
Papel sa
buhay.
Papel kung
san itatala ang bawat pangyayari sa buhay.
Papel na
magsisilbing talaan ng bawat pangyayari.
Papel na
tanging ikaw lang ang pwedeng sumira.
Papel kung
saan gagamitin ang bawat panulat na iyong hawakan
Papel kung saan
ito’y magsisilbing talangguhitan kung ano na ang mga nagawa mo sa iyong buhay,
papel na magsasbi kung gaano ka nadapa at nagwagi.
Comments
Post a Comment